Dumarating tayo sa point na kung san binibigyan tayo ng isang tanong na mahirap sagutin kasi bka makasakit tayo. tama ba ko? Ung tipong “Gwapo ba ko sa paningin mo?”. Panu kung kaibigan mo at nasa stage kau nyn at madaming nkatingin? Panu kung ang totoong sagot e “hindi”? Magsisinungaling kba?
White lies are basically ‘lies’ that are used with a good intention. eto na ung mga “Oo, gwapo ka”, or “Natraffic ako e, sorry”, at ang pinakamalupit na example sa lahat “Mahal kita”. Yang mga yan e example lng nga mga linya ng white lies kung san ginagamit natin to para di tayo makasakit ng tao…
May isa akong kakilala, (dami ko kakilala noh?), where he always tells white lies sa friends nya and partner nya. Di naman big ung mga lies nya. One day, one of their friends approached them and asked for comments regarding his painting. Lahat ng mga kabarkada, alam na masagwa at walang dating ung painting pero lahat sila nagsabi na “Ok tol, ang ganda”. Hindi nila alam na isasali nya pla un sa isang contest,.. Aaaaaand, alam nyu na, sobrang na gisa sya and napahiya sa harap ng madaming tao.
Sabi sa Ten Commandments, “Do not Lie”. Un na un. Wala namang “pero, kung, if , else if, etc”. Sinabi dun wag ka magsisinungaling. Pero syempre bilang tao, hahanapan natin ng butas yan, kaya siguro nauso ung white lies na tinatawag natin naun.
Kung sinabi ng mga kaibigan ung totoo, edi naimprove nya ung sarili nya kahit na masaktan sya. Madalas tayo ganito sa totoong buhay. Kung merong mga PRANKA, meron din namang hindi Pranka. Ung hiyang hiya makasakit ng tao kya nagsasabi nlng ng kung anu anu para maging maganda ung pakiramdam ng nagtatanong, kahit na mali at hindi to totoo..
The truth hurts, ika nga. Pero you know what, we learn from the pain. Kaya for me, white lies never count. Its just a lie coated with sugar and spices and everything nice, pero deep inside, rotten and black ang core nito. Kayo naun sumagot, when does white lies really count?
God Bless!!