madaming nagsasabi, sobrang corrupt daw ng mga pulis dito sa Pilipinas. Well, I beg to disagree. Why? Let me tell you an experience I had with our PNPs.
Once upon a time, may tangengot na lalaking nakapag capture ng ATM nya sa isang ATM machine sa St Francis Square sa ortigas. Ako po yan. Sa sobrang panic ko dahil di ko na alam ung gagawin, nanghingi ako ng tulong sa isang pulis na dumaan. Nakiusap ako kung pwedeng pakibantayn ung ATM machine para walang kumuha ng card ko habang pumunta ako sa isang branch ng BDO. After some time of talking kay BDO, wala daw silang magagawa. Ok fine. Edi balik ako. Aba nandun pa si manong police.
Next naman is nagisip ako ng ibang paraan. Tapos the police recommended that I use a strip of gum to get the ATM card. Kasi nga naman mababaw lng ung napaglaglagan sa loob. So, aun, bili ako ng bubble gum sa mercury Drug and hingi ng Chopsticks sa HongKong Noodles. Nguya ako dito sabay dura at tuhog sa chopstick na amoy bagong kadkad. So aun, nirereach out ko na, then suddenly, nalaglag sa loob pa ng ATM at para bang blue screen of death ang nangyari sa atm dahil bigla nag offline. Wahaha..
Sinamahan nalang ako nung same Police na kasama ko sa admin ng St Francis to file a sort of report. So to make the long story short, inabot po ako ng 2 hours paikot ikot and kasama ko ung pulis along the way.
Nakakatuwang isipin, kahit di natin sila matandaan, i mean ung pangalan, kahit di natin sila mabigyan ng kahit anung pabuya, kahit di natin sila mabigyan ng assurance sa mga bagay, nandyan padin sila para tumulong. Kung mag gegeneralize tayo ng mga kapulisan natin dahil sa mga negative na nakikita natin, well, ill generalize din sa mga nakikita ko sakanila. Mapagkakatiwalaan sila and I would say that they are really ok.
Let’s not judge a book by its cover… or the other way around. There are some things in this world that are meant to be seen from the inside..not liiterally. To achieve that, we should start by taking our raincoat of doubt out of our minds and hearts para mas mainitndihan natin sila at maunawaan at matanggap.
wai. Amazing. Kudos to PNP! Di totong mga Pulis Kurimaw kayo!
=))