Years have passed since I graduated from high school. Memories flood my mind everytime na naaalala ko ung mga kalokohan at mga weird things na pinaggagagawa namin nung highschool.
First year, everything and everyone is new. Pagpasok ko ng Bacoor National High School, parang foreigner ung pakiramdam ko. Walang bagay na pamilyar sakin, wala akong kilalang mga tao (wala pa), and lahat parang nakatingin sayo kasi para kang aangaanga.. Then unti unti, may mga nakilala ako, mga weirdong bata na tulad ko din, na nagturo saking ng mga weirdong bagay tulad ng paglakad gamit ang harap ng paa (masakit, pero enjoi naman), pag wave ng braso na parang alon ng tubig, at kung anu anu pa. Basically, it was a very fun first year as a highschool student…
Then the next year came. OO nga pla, binansagan nga pla akong ‘retarded’ dati kasi muka naman talaga akong retard.. haha.. Anyway, di pa din nagbago ung ‘reputation’ ko sa school. Madami pa din akong mga bagay na ginagawang weirdo, pero ang naiba, is nanligaw na ko .. Madami ako niligawan and well, alam na natin nangyari.. hahaa.. Hanggang naun, di ko makalimutan ang Puto Seko ni ate Danica…
Third year came and everything changed. Siguro naging mature ako ng onti kasi ung ‘reputation’ ko dati, nalaos na. Di na ko masyadong gumagawa ng weirdong mga bagay, and ung dating ako medjo nawawala na ng onti. Sa taon na to, heart ko ang pinapairal ko, alam mo kung bakit? May mga girls akong nililigawan nang seryoso. Ung sa past years, well, parang puppy love lng ata un, and sabi nga ni ate Cerraine nung nagkakwentuhan kme nung 1st year, bka infatuation lng. Hehe.. So aun, ditop ko naranasan ung love na sinasabi nila. Madami din ako nakaaway, nasaktan, ginulo, at kung anu anu pa, pero bottomline, maganda ung 3rd year ko. At uu nga pla, nakasama ako sa field trip for the 1st time sa EK! O diba astig un?
4th year, matatapos na ung buhay highskool ko. Ung mga nakilala ko nung mga unang taon ko sa skul, aun seryoso na talaga. Kasi halos lahat focus na para sa college nila. This is the year that really imprinted something in my mind and heart. Sa taon na to, dito ko naranasan maging SP. Basta sa MOCS/MOCCS (di ko na matandaan) un na position. Ni di ko na nga din matandaan ung ibig sabihin nun. Bsta alam ko sumali ako dahil lng sa isang girl na gustong gusto ko. But anyway, back then everything was perfect. Mabasted ka, magtagumpay ka, may mga friends ako na lagi ko kasama at karamay. By the way, grupo sila ng mga girls, kasama sila ate Mondz, nica, aianne, cess, at madami sila. Napabelong lng ako. hehehe.. So un. Dito ko din naranasan ung mga serious friend talks wherein magbibigay ung mga friends mo ng mga advices and tips para sa problema mo.
At higit sa lahat, nakakpaglaro kme ng agaw base sa school grounds, kasi malawak pa dati ung lugar…
See the title? Proud. Now, as i browse facebook and stalk (creepy laugh) my friends, i feel so proud and happy. Merong successful na, may mga teacher na, may professor na, may housewife na, may kakakasal palang, at madami pang iba. Sure, kita mo na ang signs of the times.. hehe pero ung spark sa mga mata nila na nakita ko noong highschool plng ako is nandun pa din.
Kung bibigyan ako ng chance para bumalik sa past, I would definetly do more for them, pero I cant….kasi wala naman time machine na available sa Amazon or ebay.