When I go home after work, I take a walk from emerald ave to Ortigas MRT station. From there, I walk towards the bus stop near the flyover and wait for a bus to arrive. So sa sukat kong to at sa bigat ng katawan ko, I think its ok to say na napagod ako. NaPAGOD. Pero sige, abang pa din ng bus. After some time, ayan na ung Jasper Jean na bus. Maluwag sa loob, walang masyadong tao. When everything seems to be ok na, dun ko naramdaman ung impact ng pagod ko. Wala naman ako ginawa maghapon masyado para mapagod nang ganito.
Later along the way, I called my momie Joy. Kwentuhan ng onti tapos habang patapos na ung conversation namin, bigla sya nagtanong, “Dadie, ok ka lang ba?”. Hindi ko sure kung naipakita ko sa boses ko ung pagod ng katawan ko pero sinabi ko na lng “Opo”. So aun, nagpahinga muna ako sa bus.
Naun lang, as in now lang, napaisip ako. Si God, kahit na madalas natin sya nakakusap, madalas natin sya nakakakwentuhan, may mga oras pa din na nauuna ung pagod ng katawan natin bago ung sakanya. Ung tipong kaya mo pa naman pero dahil nakaramdam ka na ng pagod, tinamad ka na. Gets ba? We all come to a point na kahit gano tayo ka close kay God, nababaliwala pa din natin sya. And what happened to me and my girl back there, I know mali.
Lets try to analyze why am I wrong…
Una, ako tumawag para mangamusta. If ihahambing natin sa araw araw na pakikipagusap natin kay God, tayo ang nauunang kumausap. Tapos kung ung tono ng boses mo e di ka masaya at talagang tinatamad ka, what would God feel? I think what we need to do when we go in this situation is just behumble. Humble enough to ask for strength to go on kung di mo na talaga kaya. Kasi ganito lang yan, kung gusto mo kausapin si Lord, at kung gustong gusto mo talaga, di ka dapat lalamya lamya. Para kang nakaharap sa Presidente ng Pilipinas tapos patulog kana.
Pangalawa, inentertain ka nya. When we talk to God, immediately nagrerespond na sya sayo. Imagine calling God from a cellphone pero imbis na magring pa, nasagot na nya agad. Ganun kabilis si God. Now imagine kung nakipagkwentuhan ka just to show your tired self. Ikaw, kausapin ka ng anak mo or kapatid or relative tapos ung boses e tinatamad, anu mararamdaman mo? Same thing kay God. Never ever do something just to give half a heart. gets ba? Kumbaga, wag ka nang gumalaw kung ung puso mo, hindi 100% nandun sa ginagawa mo. Kasi manghihinayang ung mga taong kausap mo or nakakakita sayo. So dapat, i think, when we talk to God, lagi tayo happy and jolly. Ung may energy.
Last is kinakamusta ka din nya. When my girl asked me if I am ok, narealize ko naun na parang ganito pala si God. Kahit na lalamyalamya kang kumakausap sakanya, at kahit na tamad na tamad ung boses mo, gusto pa din nya malaman kung anu ung sinasabi ng puso mo. Grabe, ang lupit talaga ni God. Napaka bait. Imagine presidente ng US, humarap ka naka pajama at antok na antok na ung boses mo, kakausapin ka pa ba nun? Oo siguro pero hindi sincere. Pero kay God, expect na laging sincere.
God is always there for us. Pwede natin syang tawagin at kausapin araw araw. Walang humpay din ung response nya satin. Kaya sana, sa mga taong kapag kumakausap kay God e tamad na tamad, bigyan nalang natin ng konting kahihiyan ung sarili natin. Isang Hari ung kausap mo, kumakausap sau, tapos ganyan ung ipapakita mo. Straighten Up and talk with energy. Hindi basta basta yang kausap mo. 🙂
So kausapin mo Siya. Ay teka, matanong ko lang, pagod ka pa ba para kausapin sya?
God bless!!