Kanina, habang palabas kme ng father ko from Makati Stocks Exchange Building (Toastmasters), naramdaman namen ung gutom ng mga tiyan namen. Wew, nagwawala na kasi. Aun nakakita kame ng Mcdo sa kabilang side ng street. So punta kme dun. Pag pasok namen, namili kame. Sabi ko kahit burger lng at isang malamig na malamig na coca cola!! Tapos nakita ko nlng bigla sarili ko nasa starbucks. Di ko alam kung san ba nanggaling o sino ung unang nagkayayaan. Pero sige, go na kme. Sabi ko “minsan lng naman”, kasi napansin ko medyo may kamahalan ung isang baso ng kapeng may whipped cream sa tuktok at onting nuts sa ilalim.
Minsan lang naman… Ito ung madalas na sabihin nating mga Pilipino lalo na kapag may mga bagay taung ginagawa na hindi regular sa routine ng buhay natin. For example, kame kanina. Hindi naman kme regular sa starbucks. Naun lng ata kame pumasok sa starbucks para intentionally bumili ng kape at di lng makiamoy. Haha.. Mabango naman kasi. Gumastos kme ng medyo malaki for something that could actually be done in the house. Pero sige sabi namen minsan lang naman.
In our life, we see people everyday mentioning this line over and over and over and over and over again. Aun, hanggang sa naging routine na nila. Ung mga dating hindi nagpapakalasing sa alak, aun numero uno tanggero sa kanto. Ung dating hindi nag dodota, aun 24 hours nasa comp shop. Ung mga dating hindi nangongopya at nangongodiko, aun hastler na. (May tinamaan ba?) Ung mga dating stick to one aun multi millionaire na sa dami ng partners..
People tend to see things na KAYA NILA. ^^, Tama ba ko? Akala mo matibay ka, pero hindi pala. Aun lalo lumala ung buhay mo kasi maxado kang mayabang. Masakit man sabihin at tanggapin, mayabang tayong mga tao. Akala natin kaya nating harapin lahat. E bakit ko ba kasi sinasabi to? Gusto ko lng ipaalam sa mga tao na God made us wise, not strong.
Wise in a sense na mautak tayo para iavoid ung mga circumstances sa buhay na alam nating makakasira ng realatinship ntain kay God or makakasira ng buhay natin. For example, if sa back entrance ng skul, may nagbebenta ng porn dvd and lagi ka natetempt na tumingin, manood at bumili (example lang po ito, wla pa po ako alam na skul na nagbebenta ng porn dvd). If you take that path everyday thinking you are STRONG to resist temptation, later one day bibigay ka. But IF YOU ARE WISE, you would enter the front gate of the school avoiding the SINS that is always there at the doorstep f your school. Nagets nyu po ba?
Sa buhay natin, i apply natin to. BE WISE, NOT STRONG. Oo, gusto natin lahat tayo malakas. Pero if you would look at the positive outcome ng pagiging wise, i think you would really reconsider. ^^,. Pero please understand, hindi ko naman sinasabi na wag kna maging strong. ^^,.