Alam nating lahat, simula nang sumikat si Vice Ganda, naglipana na sa mundo (Philippines only) ang mga taong hinding hindi mo na gustong kausapin. Tama ba ko? Sa bawat sulok ng lugar sa Pilipinas, lahat ng makilala mo, di na matino. Para bang may zombie infection na pinasa si Vice galing sa TV. Astig. Snappy answers to stupid questions, yan ung exact term para dito. Eto ung mga tipo ng taong ambilis magtanong, para lang makapagsalita.
Isa pang naglipana na uri ng tao e ung malupit pumik-up. Ung pagkauso ng pickup lines e wala na din naging matinong ginawa sa mundo. Lalo na ung mga taong gustong manligaw, lahat ng linya e akala ni babae pambobola. Hahaha…
Pero sa lahat nga naman ng sinabi kong to, alam ko tama sila. Hindi sa tipo na mambabara ka ng tao sa harap ng madlang people, pero ung tipo na totoo ung sinasabi nila. Kapag tinawag ka ng boss mo (nakatingin sau ha), “PSALM!!!! HALIKA NGA DITO?!?!!!” at sinagot mo sya ng “Ako sir?”, e magaus aus kana, bka kinabukasan e wala ka nang trabaho. Malamang nga naman diba? Nakatingn na nga e.
Totoo in a sense na pranka sila, nakita nila ung mistakes mo, pinapakita nila ung dapat mong gawin sa susunod. Kung tinawag ka at nagtanong ka pa kung ikaw nga talaga un, e sasagutin ka ng ka-opisina mo ng “Ahhhhh, hindi. Ako un.”. So para maiwasan mo na un sa susunod, isip isip bago magtanong. Tama ba ko? Sabi nga ni Lord sa bible (James 1:19 “My dear brothers, take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry,”) Sabi dyan sa James, be quick to listen, slow to speak. THINK BEFORE YOU SPEAK. OK?
This goes to the people who make bara-bara to others din. Bago kayo humirit ng pamatay na tanong ala-Vice Ganda, e magisip isip din kau. Bka naman sobrang foul,or sobrang degrading na ung sinabi nyo. Baka nasa lugar naman ung tanong e ikaw lng ung natawa sa pambabara mo. ^^,. Sabi nga sa Proverbs 16:24 “Pleasant words are a honeycomb, sweet to the soul and healing to the bones”. So your words should become a healing and a guide to the people you have spoken to. Kasi otherwise, sayang effort mo magpatawa, nagmuka ka pang eng eng? Diba?
Bato Bato sa Langit, matamaan wag magalit. Think before you speak. Same goes to the virtual people out there,THINK BEFORE YOU CLICK din.. God bless!!