Dear Virtual Diary,
Ilang buwan na lang December 21, 2012 na. Exciting. Nakakatuwang isipin kung anung kaguluhan o kung anung kagimbal gimbal na pangyayari ang magaganap sa araw na un. Lahat ng pwede kong maisip – zombie apocalypse, may mamamtay ng world leader, may lulubog na kontinete at anu anu pa.
Pero di ako masaya, siguro muka lang ako masaya diary kasi naeexcite ako. Sa loob ko, alam ko takot ako at alam ko na mali un. Di ko alam kung papano ba ung magiging paghahanda ko sa araw na yan, lalo na kung totoo nga ung sabi sabi nila na magugunaw na mundo, di ko alam kung may muka akong mahaharap kay Lord pag dating nung araw.
Nung isang ara, may nakaaway ako, isang lalaki sa MRT, kasi ayaw nya tumabi, so binunggo ko. Nagalit pero di naman ako binanatan, siguro natakot sa itsura ng malaki kong pangangatawan. Pang UFC e. Tapos may nabangga din ako ng manang. Nag sorry ako pero sinimangutan ako. At madaming madami pang ibang nangyari. Tapos naisip ko, panu naman ako sa nalalapit na pagwawakas ng mundo. Panu kung magkaron talaga ng zombie apocalypse? Makaktulong ba ko? Makakagawa ba ko ng kahit na maliit na tulong kung ganito ako?
Depres na ko kanina diary, as in. Ikaw lang ung mapagbubuhusan ko ng problema ko. Pero kanina, ang lupit ni Lord. Nagbasa ako ng word nya kanina and nagulat ako sa mga sinabi nya sakin. Sabi nya sakin, kung san kita nilagay, dyan ka lang, kasi may mga plano ako para sau.
1 Corinthians 2:9
What no eye has seen, what no ear has heard, and what no human mind has conceived”-the things God has prepared for those who love him—
After 1 seconds of reading(or more or less), parang ilang taon na ung bibilangin nung saya na binigay sakin ni Lord. Instant. True. Pure. Sabi nya sakin kanina may plano si Lord sakin, and what I should do is stop and listen to those commandments and orders that he will give unto me. Di ko na kailangan isipin kung anung kapalit o anu ang consequences at mga bagay na kailangan ko bitawan. Basta gawa ka lang. Kasi ung mind ni God, iba sa tin. Kumbaga ung pinaka malupit nating mga maiisip at maipplano, sa kanya, wala pa un sa katiting ng kaya nyang gawin.
Diary, excited ako sa 2012. Totoo un, kasi gusto ko makita kung anung mangyayari. Pero sana, sa oras na un, kung anu man ung mga pinagawa sakin ni Lord, magawa ko o kahit man lang mameet ko ung expectations nya, para kung sakali mang may mangyari na di maganda, handa ako.
Thanks diary, ^^,.
-Anonymous