wooah, this is not the kind of `spanking` you are looking for. Bka kung anu nanaman nasa utak nyo. Anyway, gusto ba natin palagin mapalo nung mga bata tayo? Ako panigurado hindi, kasi alam ko masakit, and nung mga time na un, ung pain tolerance ko talagang mababa. Kayo? Bka kasi meron satin na weirdo nung bata na hinahambalos na ng sinturon at kawayan na may asin tapos sumisigaw pa ng “more!! more!” and with smile pa. Weird..
Pero seriously, walang gustong mahampas sila ng sinturon na gawa sa buntot ng page. Kasi we will be hurt and be in pain. After that, anu na susunod? syempre magagalit tayo at maghahanap ng batuhan ng sisi. Typical trait of a human being. Ganyan tayo, wag ka na umagal.
Nung nabasa ko ung partial na kwento ni Job, (di pa po kasi ako tapos), naamaze ako sa pinakita nyang dedication kay God nun, kahit na ilang beses na syang patumbahin at hanapan ng butas, di pa din sya natinag. Nawala lahat ng mahal nya sa buhay, nawala lahat ng ariarian nya, and nagkaron pa sya ng napakadaming sakit. Di ko sure kung enterovirus 71 or something un.
When i see my life, naiisip ko wala ako sa kalingkiran ni Job. Siguro mawalan lng ako ng bente pesos magmumukmok na ko at maghahanap ng taong ibabato ang sisi. Sa isang particular verse, Job 5:17, natuwa ako. sabi dun, “Blessed is the one whom God corrects; so do not despise the discipline of the Almighty”. Banat line yan ni Eliphaz, friend ni Job. Astig kasi totoo to sa buhay natin. Minsan mapapansin natin grabe ung pagakyat natin sa buhay or sa kahit anung bagay na ginagawa natin, pero may mga oras na talagang lugmok tayo at nakabaon sa lupa. Madalas tayong magisip ng `y me?`, sa utak natin pero hindi natin narealize na paraan to ni Lord to correct us or test us or strengthen us. Kung may mga unos tayong nararanasan sa buhay natin, think of it as God’s summer camp para sayo, or God’s school subject para satin.
Natuwa talaga ako sa katagang un. Kasi now I can really say that “I Love Spanking!” kasi I know, i will be better!
God Bless!