Sa nangyari samin kanina sa KFC UN branch, madami ako naisip na topic tungkol dun sa branch na un. Napaisip din ako.. Papano kaya kung one time, si God kumatok satin, den para taung KFC… wala na.. ubos na ung 1 pc Chicken, Chicken Fillet, HotShots, Funshots and everything.. What would God do kaya?
Sa buong buhay natin, si God pala kumakatok lang satin. Sa hearts natin sya dumidiretso at katok lang sya ng katok, humihingi ng kaunting pagkain, na ang tawag eh Faith. Diba? Pero through the years binalewala natin ung mga katok. Minsan nasasabi natin ok na tau, mabait tau, pero ung totoo, puro kaplastikan lng and hindi pa din pala binubuksan. GInawa lng natin un for the sake of tradition, and sa heart natin madalas hindi pa bukal sa loob.
Sabi sa bible, Mat 7:7, “Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.”… Si God, if dumating ung time na kelangn natin ng tulong nya, no hesitation, bubuksan ka nya ng pinto at iwewelcome. Pero bakit tayo hirap na hirap?
May several factors pala na nkakapigil satin sa mga ganitong bagay, lalo na sa pagbubukas ng pinto kay God. These are some examples:
1. FEAR
2. Reputation
3. etc
Diba ang dami? hehe.. Bakit ko nga pla nasabing FEAR? Takot sila na kapag binuksan nila ung pinto nila para kay Christ, e mas mahihirapan sila. Na every sunday obligation na un sakanila and pahirap na sakanila.. Hmmmmm… Meron kaya sa mga readers ko ang ganito..? Fear na mas maging complicated ang buhay dahil sa Kanya.
Next is Reputation. Bakit naman? E madalas naman kasi sa mga tao, tinitignan nila ung reputation nila. Once may isang tao,astig and super duper hunk na walang kinakatakutan dati, biglang nag sshare na ng gospel at iyakin pagdating sa church. Woooow, w8 a sec. Kapag nakita ng ordinary people ang isang taong nagbabago, anu magiging reaksyon nila? Madalas e kukutyain ka and pagtatawanan ka. Aun.. Kaya madalas lumalayo ulit ung mga tao sa way of the Truth. ^^,
Next is etc. Aba malay ko dyn..
So check your labels.. Are we included sa mga tipo ng taong nkasara ang pinto kay Christ dahil sa mga factors na nasusulat sa itaas? O MAY CONVICTION TAU sa sarili natin at may pananaw taung sinusundan na kahit anong pangungutya ang gawin ng iba, kahit anong tapak sa kaluluwa mo ang gawin at kahit anu pang Chocolate brand ang ibigay sau e di mo Sya pagsasarhan ng pinto? Hmmm… Isip isip.. ^^,.
Check your label!