Habang nasa byahe ako kanina, pawis at init na init dahil sa pagkakalate ko ng gising, parang aburidong aburido ako. Ung tipong parang nakakunot ung noo at lahat ng bagay may galit ka, ako pla. So aun, nagising ako tanghali, umalis ako ng bahay nang tanghali, at sumakay sa bus nang tanghali. Isa lng ibig sabihin nito, late ako.
Habang naiinis ako sa sarili ko dahl sa pagkalate ko, napansin ko ung isang mama sa bus. Hindi ‘Momma’ kundi mama, matandang manong. Habang nkatayo sya kanina at nagtatawag ng pasahero, kitang kita mo ung ngiti nya sa muka. by the way, hindi pla sya ung kunduktor, tumutulong lang sya. So aun, grabe ung ngiti nya. Ung tipong para kang sinagot ng first grilfriend mo na smile – may kilig at may tuwa. Kita ko un sa mata ni manong and nakangiti sya, kahit na binabangga na sya ng mga pasahero kasi nakaharang sya sa daanan. Ngiti lng sya na parang walang gumagambala sakanya. At isa patumutulong pa syang magtawag ng pasahero. O diba cool?
Then all of a sudden, I realized something. Bakit si manong, kahit binabangga na ng mga pasahero e nkangiti pa din? Muka namang hindi permanent ung smile nya and muka naman syang regular na tao. Bakit ako na nakaupo sa bus e aburidong aburido dahil sa pagkalate ko ng gising? E dapat nga ako pa ung masaya kasi relax ako sa upuan ko, at hindi ako natatapakan at nababangga ng mga pasahero.
Sabi sa scripture, Philippians 4:8 “Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.”
Tinamaan ako, tagos sa heart.. Promise… Kasi parang hindi ko na naapreciate ung magandang sikat ng araw na pinagkaloob sakin, ung safe trip na binigay sakin, ung lakas ko sa byahe at ung tibay ko na maligo gamit ung nagyeyelong tubig namen. Parang nakita ko agad ung negative side and I dwelled on it. Hindi natin mapipigilan ung negative thoughts and idea na pumasok sa mind natin but we can control it. We can filter it and we can be happy, pero in my situation kanina, parang wow… nanibago ako sa sarili ko. Hindi ko na napansin na unti unti na ko ulit nagbabago and I think im getting worse. Buti nalang nandyn si Matandang Manong (aka mama) para iremind ako na we should always be optimistic on all things and circumstances handed unto us. Let us ee the good things na nasatin, rather ung negative kasi we wil never be better kung palagi tayong nakastak sa ganun. Isipin mo, para kang nakalublob sa malamig na container na punung puno ng tubig. Sa una kaya mo, pero habang tumatagal, mawawalan ka na ng hininga at lalabas ung bituka at laman loob mo. Jowk lang. sa dulo e malulunod ka lang.
Thank you ma’ma (di ko alam kung tama yan) sa pagremind sakin ng mistakes ko sa araw na to. Truly God uses different kinds of people and situtaion to make us realize things that we are not pretty much aware sa mga sarili natin. Npakabait ni God and i love Him!
God bless everyone!
PS: sorry, medyo napaabsent ako sa pagbblog ko.. ^^,.
PS: bakit inspite of everything ung title? Alamin nyo nlng. ^^,.