I believe in this saying – we FAIL when GOD KNOWS that we can fail. Actually itong saying na to nag popup lang sa brain ko kaning nasa tricycle na kame pauwi. Sarap pala nang ganun, lutang ka sa buong byahe pero pag bumaba ka ng sasakyan, may bago ka nang natutunan sa buhay.
Anyway, so un nga. I believe that saying. Natatalo tayo kapag alam ni GOD na kaya nating matalo. Please dont take these words as kalokohan or isang nonsense statement. Ibig sabihin nito, we fail because we are READY to fail. Gets na ba? Hinahayaan tayo matalo ni God IF AND ONLY IF ALAM NYA na kaya nating matalo. Ganda diba? Sakay din kayo tricycle minsan para maexperience nyu to. heheh..
Kung titignan natin un history ng mga `successful` entities sa mundo natin – Bill Gates, Oprah, Henry Sy, Papa Jack (minsan lang to Papa Jack), Maricar Reyes, Charice, etc, maganda ung istorya nila (medjo) bago sila nakilala sa lipunan. Now dont get me wrong, hindi lahat financial statements ung basehan ng pagiging succesful. Ung iba sakanila overcoming what has been their biggest fallout in their entire lifes history.
I-cite ko ung iba. Si Bill Gates e nagkaron ng ubud ng daming kaaway at rejections bago nya nairoll out ang MSDOS and naitayo ang Microsoft. Why? Because GOD KNOWS THAT HE CAN TAKE IT. Look at him now. Henry Sy started a small sari sari store but when WWII came, his store was looted and burned. Why? Because GOD KNOWS THAT HE CAN TAKE IT. Si Maricar Reyes ah ano, alam na. hehe. Pero she is now married and moving on. Why? Because GOD KNOWS THAT SHE CAN TAKE BEING AN EXAMPLE TO MANY.
Pero can we let God know that we are ready to take some failures? NO. Isang malakin NO. Alam ni God kung kelan ka magiging ready. Alam nya lahat. Ang tamang tanong dito is pano mo ipprepare ung sarili mo? How can you make yourself take failures?
Isa to sa mga points na narinig ko habang nakikinig ng preaching sa internet – Put the FINALITY POISION out of your life. What do they mean by this? Ganito un, ung tipong nadapa ka, tapos madami nakatingin sayo, tapos feeling mo tapos na buhay mo. Finality in our life is when we feel something is over and done or when society dictates that we are done. Bumagsak ka sa board exam? Tapos na ba mundo? What do you do? Edi review and retake ulit. Ni reject ng boss mo ung project mo? What do you do? Remake and rebuild. Nalugi negosyo mo? What do you do? Start over. Sinabihan ka nang mataba sa iskul? So what? You are a child of God, right? You can always work out.
Pansinin nyo ng ung mga sagot ko, madali sabihin pero mahirap gawin (finances, time, etc). Pero un ung point e. Walang madaling solution sa buhay. Its just up to you how you stand up and pull your effing self together. Once na marealize mo that that Finality Poison is affecting your life, then you will fully understand how to take failures. Tignan natin ung ibang succesfull na tao na ni example ko kanina, they moved on and succeeded because GOD KNOWS THEY CAN TAKE IT.
God tests everyone – madalas, minsan, every 4th quarter ng taon. Madami siguro satin nabasag na sa mga hampas ng buhay sa shoulder (e gusto ko e) natin. Madami di pa maintindihan gano. Madami lalong naguluhan dahil sakin. Hindi ako perpekto at lalong di ko pa kaya makaharap sa failures. Pero, tara, sabay tayo intindihin to and maybe one day, kung mag fail man tayo, marerealize natin. WE CAN TAKE FAILURES BECAUSE GOD AND I KNOW THAT I CAN TAKE IT.
God bless!