Anu tunog ng pag ggrumble mo? Sa mga di nakakaalm ung pag grumble e ung pangaasar o response mo sa isang tao kapag ayaw mo sila. Example, sinabihan ka ng boss mo na magwalis ka ng buong Araneta Center sa loob ng isang oras, ung muka at angal na gagawin mo habang nakatalikod sya, un ung paggrumble. Wag nyo na sakin ipatagalogm, utang na loob.
Ang hilig hilig natin sa ganito. Manood ka ng madaming video sa youtube makakakita ka ng ganito, mga taong gumagawa ng faces sa likod ng mga taong ayaw nila. Pero alam nyo ba, na noong unang panahon, may ganito na din? Oo, totoo. Promise..
Exodus 16:2
In the desert the whole community grumbled against Moses and Aaron
If we read the whole exodus, maganda. Kidding aside, it portrays the andventure of Moses and Aaron to get the Israelites out of Egypt, kung san sila naoopress. Ang daming miracles, signs, at tulong ang ginawa ni Moses at Aaron sa pagalis ng Israelites sa Egypt. Nandyan na ung hinati ni Moses ung Red Sea para makatawid sila, tinepok nya ung mga first born sa Egypt, ung malaking plague, etc. Pero still umangal ung mga tao. Sa tuwing nadedehado sila, umaangal ung mga tao. “Bakit mo ba kami sinama dito? Ang bongga na ng buhay namin sa Egypt. May Wifi pa! Anu ba naman yan?!”.
Sa lahat ng tulong na ginawa ni Aaron at Moses sa kanila, nagawa pa nila umangal. Grabe no? Parang ang dating satin ang samsa sama nila. Oops!! Teka muna. Di ka ba tinatamaan? Kasi ako aminado ako ganyan ako. May mga oras na nagiginga ganyan ako sa ibang tao, lalo na kung hindi ko trip ung trip nilang ipagawa sakin. Lahat tayo, aminin nyo o hindi, e ginagawa na natin yan, kahit na alam natin tama naman. Ang tamag dyan. EGO. or somthing like that…
Stop it!! What you are doing is wrong. Ako sapul ako sa sarili kong blog. Let us think before we grumble. Humble down! Tama naman sila e. So wala tayo karapatan na maggrumble. ok ok ok?!?!? Stop it. Now na..