Galit. Naguguluhan. At isa pa, walang alam. Yan ung simpleng description ng title sa taas. Kapag nagsalita ka nyan, isama mo na ung capslock, ganyan ung mgiging description sayo ng mga taong makakakita sayo. E ano kaya mararamdaman ng taong sinasabihan mo nito?
Kung titignan nyo maigi ung title, if you are pointed kahit na wala ka namang kinalaman or isa ka lang simpleng tao an gusto tumulong ayusin ang isang gulo, ano mararamdaman mo? Mag iincredible hulk ka ba at sasabihing “Ako?!? Bat AKO!?!?” ? O tatahimik ka lang at magaantay ng “Sorry, di ko kasi alam”.?
Believe it or not, that is what God would feel if you point to Him in times when your life seems to crumble down. Pero sya ung tipong tatahimik at magaatay ng kapatawaran mo. Pero bakit ko ba to naungkat?
Job 1:22
In all this, Job did not sin by charging God with wrongdoing
Si Job e may istorya na kung uso na ang documentary at amazing stories noon, e mag top hit to. Ung life nya is full of struggles pero inspite of those, HE NEVER POINTED A FINGER TOWARDS GOD. Hindi nya sinisi at hindi nya tinanong si God kung bakit nangyayari sakanya un. Alam nyo kung bakit? KAsi alam ni Job na si God ang ultimate authorithy. Ang lahat ng nagyayari ant nakikita mo ay pagmamayari nya, kahit na ikaw pa nagimbento ng iPad 2 at Macbook Pro, e considered pa din yan kay God. Kaya kung kukunin ni God yan sayo, wala ka karapatan na magalit at sumbatan sya. Yan ung ugali ni Job. Alam nya na will ni God lahat ng struggles nya and he continued to humble down even with all of his walls bashed down. Grabe..
Kelan kaya tayo magiging ganito? Ung tipong pag sinapak ka, at di mo nakita kung sino sumapak sayo, tatahimik ka nalang? Ung tipong kung mawalan ka ng trabaho, maputulan ka ng kamay, braso, legs, binti, hita at kung anu anu pa, sasambahin mo pa din si God?
Look upon your life today. Nagiginga ganito ka ba lately? I think its time to apologize to God. Nagaantay lang sya. ^^
God Bless!!