Magulo ung title, alam ko. Pero galing yan sa salitang lazy at terrifying. Wag nalang kau magreact, ok?
Bakit ba tayong mga tao, ang tatamad natin? Well, hindi ko sinasabing lahat, but most of us are too lazy to do somethings in life. Example, ako, tamad ako mag work out sa umaga or sa gabi. Aun lumolobo na ko, makulit kasi ako. Isa pa, tamad ako magaral dati, aun madaming failing exams dati which therefore made me strive harder to pass a certain subject before. Kung ikaw nasa work ka, wag ka maleleyt!! Utang na loob, sign yan ng lazyness. Siguro madaming factors na naghihinder sau na makapasok ng maaga. Edi bumawi ka sa quality ng work mo. Kung late ka, make it a habit na magiging x2 ung effort na ibibigay mo sa work mo.
Teka teka teka.. E bakit ko naman sinasabi sainyo to? Dahil ba late din ako? No.. dahil sa nabasa ko naun…
Proverbs 6:9-11
How long will you lie there, you sluggard? When will you get up from your sleep? A little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to rest— and poverty will come on you like a thief and scarcity like an armed man.
Basahin mo ulit yan ng tatlong beses. Nakokonsensya ka naba? Ako kai oo.. Grabe parang dinuduro ka ni Lord at sinasabing “late ka nanaman.. ay naku, panu kita ippromote nyan?” Something like that. Read betwen those lines people, and im sure that you will see what I mean.
Let me elaborate the verse more. Kinukumpara tayong mga taong tamad sa isang sluggard. Anu ba to?Sluggard is a lazy person, a slothful and idler person. Makupad, mabagal, tamad. Masakit man basahin to e totoo. Ganito pala ung mga taong tamad. Sabi sa verse e kelan tayo magbabago? Siguro sasabihin nating “saglit lang, papahinga lang”, pero read the verse again. A little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to rest— and poverty will come on you like a thief and scarcity like an armed man.. Hindi naman sinasabi dito na masama magpahinga ng konti, pero kung sasanayin natin to, baka madami nang opportunities and blessings ang mamiss natin dahil nasarapan tayo sa pagpapahinga. Irelate natin to sa buhay natin. Alam nating lahat na kapag weekend todo tayo sa kakapagpahinga, right? Ung tipong alas dos kana ng hapon magigising. Wow, lupit mo. Kahit na sabihin nating 10am lng e, ganun pa din. Sayang ung oras, e kung 6am or 7 am or 8 am ka nagising? Mas madami ka magagawa diba?
Challenge yourselves from now on, ok? Stop being lazy!! Sabi nga sa bible diba, poverty will come on you like a thief and scarcity like an armed man. Let us prevent this from happening to us. Stop being a sluggard and change. Just keep in mind that time is precius. Now, would you want to say that being lazy is terryfing? ^^,. Ako oo,, hehee…
God bless!!