Automatic is a word used when something is done without the efforts of a human ndividual or something wasted upon doing a task. Di ko nagets pero in tagalog, ung otomatic ay isang salita na ibig sabihin wala kang gagawin.
Last thursday, nung hingal na hingal kaming tumakbo ng mga kasama ko papuntang LRT station taft, na shock kami sa dami ng tao na nasa platform. Ung tipong hindi ka na makapagpunas ng pawis mo sa sobrang siksikan. Pero relax lang kami nun, papunta kasi kame sa incubation sa PBS sa UN station. Then eto na, habang dumadating ung tren nagkakandaugaga na ung mga tao. Parang naiihi na sila sa excitement. Pagbukas ng pinto ng tren, hala. Parang Ultra ung eksena. Tulakan, punasan ng pawis, at pasahan ng amoy. Sa loob ng 3 seconds na pakikipagbuno namin mula sa pagbukas ng pinto ng tren, natuwa kami. Kasi bigla kami pumasok sa loob. Di pa kami ready nun pero nakita namin ung mga sarili namen nasa loob na ng tren. Grabe, wala ka pala dapat gawin. Tatayo ka lang at titibayan mo ung tapak mo sa sahig. Un lang.
Automatic. Pag narinig natin tong term na to, parang napaka teknikal. Ung tipong kapag narinig natin kala natin e sobrang magastos na ayaw na natin tong pakinggan. Well, teknikal man o hindi, eto ung pinaka magandang term para sa life natin. Automatic. Let me elaborate further.
Life is a series of trials and challenges. Pero pansinin nyo, hinahanap nyo ba ung challenges? Kumakatok ba kau sa pintuan ng kapitbahay at manghihingi ng isang kilong pagsubok? Hindi diba? Kasi binibigay to satin ni God sa tamang oras. Remember the word? Hindi ka bibigyan ni God ng something kung hindi mo kaya to icarry . Tama ba ko? So sa tamang oras, ibibgay sau ni God yan, kahit wala ka gawin or kahit maghanap ka. Basta hindi mo time, wala ka makukuha… Now irelate natin yan sa LRT. Tayo ay ung mga tao na nagkakandaugaga na makuha ung mga gusto natin. Then ung pagbukas ng pinto e ung gate ni God para salubungin tayo. May mga makaksakay merong hindi, kasi panigurado magsasara to. Pero kung firm ka, handa ka, at tama ung heart mo, at fully 100% ka submitted kay Lord, automatic ka mapupunta sa dapat mong puntahan at automatic makukuha mo lahat ng gusto mo.
Automatic yan! Life is complicated. You just need to learn to lift up the complications to God and He will provide you with all you need. Trust Him!! ^^,.
Good morning everyone!! Have a blessed day!