Problems come in and out of our lives in times we dont expect them. Really, they are really that bad. But then again, we should remember that some things are made without our control over them..
Kagabi, nabasa ko sa bible ung verse Luke 21:36 sa NIV. Tapos naisip ko, ako ba ready always? Tapos angdaming follow up aquestions.. parang thesis tapos ako din ung panel sa sarili ko…
Pag sinabi bang ready dapat hawak mo ung bible pagdating ni Jesus? O dapat nkasuot kna ng magarbong robe? Madaming tao, isama mo na ko, ang minsan hindi mainitindihan ung ‘ready’ na salita dito sa verse na to. Pero kagabi, naisip ko, anu ba ung wala madalas sa tao naun? Faith. Isang salita na napakadaming meaning…
Faith will determine our salvation, and salvation could be achjieved INDIVIDUALLY, not by group, by family, or by works. Kaya kung may nagsasabi sainyo na magdonate ng 1m Pesos at maliligtas ka, think again. Anyway, naisip ko kagabi, oo nga, faith is medjo scarce sa mundo naun. Maybe not in the Philippines pero sa ibang bansa pansin na pansin mo. Ang daming singsing sa katawan, hikaw, kung anu anu sinasamba, puro rebulto, at kung san san nagaalay. Di mo na maintindihan kung anung faith meron sila or faith ba talaga tawag dun. Basta, meron silang paniniwala, and I respect that. Siguro di lng talaga ako sanay.
Sabi sakin kagabi e magready daw ako. Siguro reminder to ni God sakin. Minsan nakakalimutan ko na din ung direksyon ko at di ko nadin maintindihan pati sarili ko. Naintindihan ko na. Faith should be strengthened. Pano? Magbasa ka ng bible, magdasal ka, at makipagcommunicate ka kay Lord araw araw. KAhit na marami bumabatikos at madami nagsasabi na para kang buang, hayaan mo sila. Ipagdasal mo na lang din. At kapag nasanay ka na dito, mararamdaman mo naman sa sarili mo yun kung pasado kaba kay Lord or hindi.
Di mo kelangan na nakasmile at maghanda ng magarbong celebration pagdating ni Lord, kasi titignan nya ung heart natin, at ung faith natin. Its all that matters, because salvation depends on it. ^^,.
God bless everyone!