Kanina, sabi ng kunduktor ng bus, “Maluwag Pa!”. So ako sakay ako bigla, and masaya pa ko kasi makakaupo ako at makakapgrelax. Pero biglang lumigaya ung mood ko nung nakita ko na hanggang harapan na ng bus ung mga tao sa pagkapuno nung bus. Grabe, so baba ako. Choosy ako e, ayoko ng ganun. Isa pa, loko loko si manong, maluwag pa pala ung bus sa paningin nya.
Tapos ung galit ko, nawala. Parang instant flush. Naisip ko, kung ako, maging kunduktor at masanay ako na sumingit sa napakasikip na space ng bus at makipagtalo at makiusap sa mga makukulit na pasahero, siguro para sakin, maluwag na un. Ung sa paningin natin malala na, sakanila sisiw pa, kasi may mga napagdaanan na silang mas malupit…
O, napaisip ka din no?
Kung ikaw, tingin mo sa isang tao e iba sa tingin ng ibang tao, iba kau ng tingn sa taong un. Magulo, kahit ako naguluhan sa sinulat ko, pero come to think of it, bakit nga ba. Bakit nagiiba and kailangan ba parehas tau lahat ng pananaw sa bawat bagay sa mundo natin? Parang ampanget, naun ko lng narealize. Napaka generic ng mundo.
Pero erase erase erase… Topic is how different people look at different things. This is one reason bakit sa mundo, uso ang pakikipagtalastasan, or pakikipagtalo, or pakikipagsuntukan. Dahil sa iba iba natin pananaw sa buhay, di tayo nagtatagpo sa iisang lugar, lahat my gusto mangyari, lahat may gusto gawin, lahat gusto sila leader. E ok ba talaga to?
Oo – (“bakit?”) – God created Man in his own image. Isipin natin lahat tayo diba parehas na kahawig ng ating Creator? Pero bakit tayo iba ng itsura? Bakit iba tau ng ugali? Kasi binigyan tayo ni God ng freedom of Choice. Ibig sabihin, itapon mo yang destiny mo at gumawa ka ng sarili mong buhay. Period. Life is what you make out of it nga diba. So, tingn ko, oo, maganda ung may iba iba tayong pananaw sa buhay. Kasi ispin mo napaka generic ng mundo. Iisa brand, iisa ng damit, iisa ng kilos, iisa ng galaw. Para tayong robots. At least, kahit na makipagsuntukan ka, kung alam mong tama ka, matututo kang manindigan at lumaban para sa tama. Kung may mali ung ibang tao, magkakaron tayo ng chance na itama at iharap sila sa tamang direksyon. Kung mali ka, magkakaron na ng chance na magbago kasi may magsasabi at magsasabi sayo.
Hindi – (“nyee, bakit?”) – Dahil sa ibat ibang pananaw ng tao, nagkakaron na ng factions or ung mga tinatawag nating grupo grupo. Wala nang pagkakaisa. Pagkakaisa na ibig sabihin sa pananaw. Kung iisipin natin, kung may unity talaga lahat, may terrorista bang mageexist para ipaglaban din ung paniniwala nila? E kung nagkakaisa lahat edi nagbigayan at nadadaan sa usapan. Madali sabihin alam ko, pero mahirap gawin. Im just sayin (wow inglis) na bakit ilagay natin sa tama at maayos na paraan ung mga pananaw natin sa buhay? Ung tipong walang masasaktan, walang masasawi, walang titilapon sa EDSA na mga motor, etc.
People look at things differently, binigyan kasi tayo ni God ng ganun. Pero it doesnt mean na magiging basihan..basehan..baseh..basis mo un para magalit at gumawa ng gulo. Ilagay natin sa tama, kasi lahat naman tayo may mga kanya kanyang ginagawa e. Matuto tayong intindihin at unawain ung ibang tao. Sa ganitong paraan lalabas ung unity at pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino. (applause).
God bless!