Kanina, as I was on my way home from my girl’s place at Fairview. Tapos, habang nagddrive na si manong bus driver along commonwealth, napansin ko na parang lahat ata ng napapansin ko may color blue.
Nung una, kala ko color blind lang ako. Kasi napansin ko, suot ko blue tshirt, karamihan ng pasahero sa humaharurot na bus nka blue na suot, ung mga bubong ng jip at ilang bus kulay blue din at pati ung mga building parang lahat ata ng napansin ko kulay blue. Tapos (heto na!!) )parang bigla ako napaisip. Sa lahat ng kulay na meron sa mundo, bakit madalas, sa isang araw e may distinct na bagay taung napapansin na nagpapaiba ng buong araw natin? Diba? Pag may napansin ka na isang bagay, example nga kulay, parang iba ung aura at pagdala mo ng sarili mo para sa araw na yon. Same thing kapag may napansin kang bago sa bahay, or bago sa partner, or kahit na bago sa paligid mo. Naaapektuhan tau ng mga un.
Of all the colors, bakit may isa kang nakikitang kakaiba? Parang napaisip ako, dapat pala para taung kulay blue. Kasi diba, andaming kulay sa mundo pero araw araw, kahit di sya napapansin e andun padin sya hanggang sa may mga araw na nakikita na sya at nakakapagpasaya ng sya ng mga tao o nakakapagiba na sya ng buong perspective ng isang tao. Dapat pala maging ganito tayo, kahit na walang pumapansin, kahit walang nakakakita, kahit walang camerang nakatutok satin, e mabuhay lang tayo ng tama at malinis. Ung tipong kahit walang makakita sayo e gumagawa ka ng tama, nagmamahal ka nang tama at naglilingkod ka ng tama.
Sabi nga sa bible e. Romans 12:9 Love must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good..
Red, yellow, green, violet, at kung anu anu pang kulay ang meron tayo dito sa mundo. Isa lang ung blue. Kung ilalagay natin ung sarili natin sa kalagayan ni Blue, anu kaya ung mangyayari satin? Wala tayong ginagawang masama at steady lang tayo diba. Kung anu ung task natin ginagawa natin ng mahusay – ang magbigay kulay sa buhay ng mga tao. E kung sira ulo si blue, kumukurot ng onti kay yellow, edi magiging light green sya diba? So nagiiba at wala nang Blue na makikita ung mga tao kung ganun.
Point is, stay the way you are. Be sincere in all you do and in all your doings. By doing so, you will avoid doing bad things and rather do some good in the society, that will, one day, be a model and be a living “COLOR” that everybody will see and be happy.
God bless!